Posts

Showing posts from August, 2025

Limitadong Access sa Edukasyon

 Importante sa lahat ang Edukasyon. Ito ay kailangan para umasenso tayo, ang ating mga pamilya, at ang ating bansa. Pero hindi lahat ng tao ay nakukuhang makapag aral. Bakit nga ba maraming hindi nakakapag-aral? Isipin mo na lang, may mga batang kailangan nang magtrabaho para may makain ang pamilya. Imbes na mag-aral nagtitinda sila sa kalsada o tumutulong sa bukid may mga lugar din na sobrang layo ng paaralan, o kaya'y walang sapat na libro at upuan. Kapag hindi nakapag-aral mahirap humanap ng maayos na trabaho. Paano ka makakakuha ng magandang posisyon kung kulang ka sa kaalaman at skills? Ang resulta, mas mahirap ang buhay, at hindi rin umuunlad ang ating bansa. Kaya dapat nating gawin ang lahat para mapalawak ang edukasyon. Magtayo ng mas maraming paaralan, magbigay ng libreng edukasyon tulungan ang mga mahihirap na estudyante. at makakagawa tayo ng mas magandang mundo kung sama sama tayong mag tutulungan para malutas ang problemang ito.